Kalikasan ating Pahalagahan at Pangalagaan
Kalikasan natin ating pahalagahan dahil lahat ng meron tayo ay dito nanggagaling tulad ng pagkain, kumbaga ito ang nagiying source ng kung anong meron tayo. Kaya kung tayo ay magtutulungan na panatilihin ang kalinisan ng kalikasan, ang ating bayan ay uunlad at ang mamamayan ay makakaiwas sa mga sakit o impeksyon.
Ang kalikasan ay karapat-dapat lamang na ating pangalagaan dahil ito ay biyaya ng Panginoon sa ating lahat.
Alam naman natin na sa panahon ngayon maraming sakuna ang nangyayari ngunit hindi tayo handa sa magiging epekto nito sa kapaligiran at sa atin.
Ang pagkasira ng ating kalikasan ay ating maiiwasan kung ang pagpuputol ng mga puno, paglalabas ng maiitim na usok, paninigarilyo at pagtatapon ng basura kung saan-saan ay maiiwasan din. Ang pagtatapon ng basura kung saan-saan ay isang malaking epekto sa kalikasan kaya ang pagsasagawa ng programa tungkol sa tamang pagse-segregate ng basura at pagpapalaganap ng 3r's ay napaka-laking tulong na para maiwasan ang pagbaha o pagdami ng basura.
Tandaan, tayo ay dapat matuto sa pagse-segregate ng mga basura tulad ng nabubulok, hindi nabuhulok at maari pang iresiklo. Ang mga basurang pwede pang gamitin ay huwag munang itapon dahil ito'y maaari pang iresiklo upang magamit muli at mapakinabangan. Tayo'y muling bumalik sa 3r's. Ang pagpapatupad naman ng ganitong programa ay isang napakalaking tulong nadin sa inang kalikasan tulad ng nabanggit ko, dahil ang mga basurang nakikita nating mapapakinabangan at kapaki-pakinabang pa ay magagamit nating muli at ito ay nakatulong nadin sa pagtitipid sa pagbili ng bagong gamit.
Ang pagtatapon ng basura sa ilog o dagat ay dapat din iwasan dahil ito ay nagsasanhi ng water pollution na masamang epekto sa naninirahan sa yamang tubig, tulad ng mga isda na ating napapakinabangan dahil ito ay ating nakakain. Iwasan din ang pagtatapon ng gaas o gasolina sa mga dagat o ilog dahil isa din ito sa dahilan ng pagdumi nang tubig. Pagpuputol ng puno? Ito rin ay isang problema pangkalikasan dahil ang mga puno ay dapat pangalagaan dahil ito din ay isang pinanggagalingan ng ating pangangailangan.
Kaya hangga't hindi pa huli ang lahat tayo ay magtulungan na paunladin ang kalikasan at iwasan ang mga bagay na nakakasira ng kalikasan. Hangga't hindi pa huli ang lahat tayo ay babangon. Tandaan muli, wag tayong magtatapon ng basura kung saan-saan, iwasan ang pagtatapon ng basura sa ilog at pagpuputol ng mga puno at ang kapaligiran ay gaganda lalo.